Sunday, 28 June 2009

LUPANG HINIRANG





http://www.youtube.com/watch?v=XVJvdtP5R_4

Lupang Hinirang

Bayang magiliw,Perlas ng SilangananAlab ng puso,Sa Dibdib mo'y buhay.Lupang Hinirang,Duyan ka ng magiting,Sa manlulupig,'Di ka pasisiil.Sa dagat at bundok,Sa simoy at sa langit mong bughaw,May dilag ang tulaAt awit sa paglayang minamahal.Ang kislap ng watawat mo'yTagumpay na nagniningning,Ang bituin at araw niya,Kailan pa ma'y 'di magdidilim.Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta,Buhay ay langit sa piling mo,Aming ligaya na pag may mang-aapi,Ang mamatay ng dahil sa 'yo.
Ano ba ang tunay na kahulugan ng ating Pambansang Awit? Kung ating hihimay himayin ang bawat kataga ng awiting na ito hindi ko lubos maisip kung bakit sa lahat ng pinaglaban ng ating mga bayani ay napunta sa wala at pakikinabang ng mga namamahala sa buwsit na gobyernong halang ang kaluluwa. Bakit pa nila ito inaawit at hindi naman nila naiintindihan ang awitin na ito? Bakit karamihan sa ating mga kababayan ang hindi maka memorya sa awit na ito bagkos ay mas memorya pa nila ang theme song ng mga teleserye sa telebsiyon.
Nakakatakot isipin na balang araw ay mawawaglit na lamang sa ating isipan ang Lupang Hinirang. Huwag naman sana nating kalimutan na dahil sa awitin na ito nagkaroon ng boses ang mga taong pinaglaban ang ating kalayaan.
Ating tunghayan ang bawat hibla ng Lupang Hinirang:

“Alab ng puso sa dibdib moy buhay” Ang katagang alab ay nagkakahulugan ng walang pagdilim na pagmamahal sa ating bansang kanilang pinaglaban at pinagbuwisan ng buhay na sa panahon na ito ay mas gusto pang lumayas ang ating mga kababayan mula sa ating bansa sa kadahilanan na ANG GOBYERNONG KASALUKUYAN AT HINHARAP ay walang magandang bukas na maipagkakaloob sa bawat isa. Makapal ang pagmumukha ng mga naagnas na kaluluwa ng sino mang namamahala sa demokrasyang pinagkaloob ng mga namayapang BAYANI ng ating bansa.
“Duyan ka ng magiting sa man lulupig di ka pasisiil” Nakakatakot isipin na sa mga panahon na ito ay mismong Gobyerno na ang nananakop sa bawat isang naglukluk umano sa kanila sa pwesto at kapangyarihan. Ang sa kasalukuyang panahon kailangan nating lumaban hindi dahil sa pananakop ng mga dayuhan kundi maibalik ang totoong Demokrasya ng ating bansa ang lipunin ang mga taong nagpapahirap sa atin at magtatag ng isang bagong UMAGA sa atin, huwag sana tayong palulupig sa ating sariling bansa, ngayon na ang tamang panahon upang ipaglaban ang ating karapatan sa lahat ng napaploob sa ating saligang batas.
“Langit mong bughaw” Ang katagang na ang ibig sabihin ay maliwag na kinabukasan at hindi ang kinababukasan na pinaglalandakan ng ating Pamahalaan na kung saan ay mangilan ngilan lamang ang nakikinabang.
“Sa paglayang minamahal” Ang kalayan na matagal na nating tinatamasa ay isang katarantaduhan sa kadahilanan na ang bawat isa ay hindi naman talagang Malaya dahil alipin tayo ng isang sytemang bulok at naaagnas, alipin tayo ng isang pamahalaan na nanamantala sa kahinaan ng iba, alipin tayo ng kahirapang dumudurog sa bawat pamilyang nakakaranas nito, alipin tayo ng ating sarili na kung saan ay sumsayaw sa agos ng buhay dahil wala ng magawa.
“Kislap ng watawat moy tagumpay na nagniningning” Tagumpay nga bang masasabi ang ating kasalukuyang nararanasan o isa lamang malaking kasawian ng mga taong pinaglaban ang ating kalayaan. Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng tagumpay ng mga taong nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa ating kinabukasan ngunit ito ay wala ng kahulugan sa ating buhay sa panahon na ito. Ni hindi man lamang hmuhinto mga makabagong tao kapag may seremonyang watawat ni hindi nga memoryado ito. Nakakalungkot isipin ang paglaman ng makabagong panahon sa paglimot ng nakaraan.
“Lupa ng araw ng luwat hatit pagsinta” atin nga bang sinisinta ang ating sariling bansa nasaan ang malasakit ng bawat isa sa kanilang lupang sinilangan, nasan na ang pagmamahal ng bawat isang Pilipino sa kanyang pinagmulan. Ang lahat halos ay nangangarap na mangibang bansa upang doon na manirahan dahil sa wala ng kinabukasan na naghihintay pa sa atin sa lupang sinilangan. Pinaglalandakan sa buong mundo ng kasalukuyang pamahalan ang dami ng mga OFW sa lahat ng dako ng mundo, hindi ba sila kinikilabutan sa mga usaping ito. Hindi siguro dahil ito ay kanila ring pinakikinabangan ang mga perang pinpadala ng ating mga kasamahang OFW. Sa madalit sabi ito ay isang gatasan ng ating pamahalaan.
“buhay ay langit sa piling mo” Masayang isipin at namnamin na sa pilipinas na ating bayan ay mararanasan ang langit na nakaginhawaan ngunit isa lamang itong malaking kasinungalingan, sapagkat taliwas sa mga nakikita at nararanasan ng ating mga kababayan sa sitwasyon na kasalukuyan. Masakit mang isipin ngunit ito ay pawang realidad na nakakasuklam at kahindikhindik. Masama ang loob ko sa ating pamahalaan sapagkat patuloy nilang dinudurog ang ating lipunan sa pamamagitan ng paglustay sa ating kaban ng bayan na isa na itong lumang usapin.
“Aming ligaya ng pag may mang-aapi ang mamatay ng dahil sayo” AYAW KO NG PALIWIGIN ANG HULING PAHINA SAPAGKAT ISA ITONG MALINAW NA BATAYAN NA KAPAG ANG MAMAMAYAN AY NAHAHANTONG SA GANITONG KATAYUAN AY HANDANG MAMATAY UPANG IPAGLABAN ANG KANILANG KARAPATAN AT KALAYAAN. HUWAG PO SANA TAYO PAGAGAMIT SA MGA PULITIKO SAPAGKAT SILA ANG MGA TAONG DAPAT KAMUNGHIAN AT KASUKLAMAN; MAARING MAY MGA NATITIRA PA SA KANILA NA MABUBUTI AT MAY MALASAKIT SA ATIN SUBALIT ITO AY MAILALAGAY NATIN SA USAPNG 100-01 ISA SABAWAT ISANG DAAN.
“PILIPINO IKAY TUMAYO AT IPAGLABAN ANG DAPAT NA PARA SAIYO LUPIGIN ANG KURAPSYON, LUPIGIN NATIN ANG KAHIRAPAN NG SAMA SAMA SAPAG ITO NA LANG ANG NATITIRA NATING SANDATA LABAN SA ATING PAMAHALAAN, KUNG HINDI TAYO KIKILOS NGAYON KELAN PA?”
Nagsusumamo,
Juan Dela Cruz

2 comments:

  1. ano ang kahulugan ng bayang magiliw perlas ng silanganan?

    ReplyDelete
  2. Galit na galit po si kuya. Hindi ko po siya masisisi. Same po😭

    ReplyDelete